Higit 16,000 estudyante, lumahok sa ‘pinakamalaking’ art lesson sa bansa

March 1, 2018

 

Libo-libong estudyante ang nagtungo sa Quezon Memorial Circle para lumahok sa “pinakamalaking” art lesson sa bansa.

Kahit tirik ang araw, hindi natinag ang pagdagsa ng tinatayang nasa 16,692 estudyante.

Nasa 32 eskuwelahan mula Quezon City ang nakilahok.

Matapos ang isang oras, mga obra maestrang maskara ang ibinida ng mga estudyante.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts, mahalagang mamulat ang mga kabataan sa sining at kultura, at magkaroon ng pagpapahalaga dito.

Layon ng event na talunin ang Guinness World Record ng India, na nakapagtipon ng 14,135 katao para sa isang art lesson noong 2014.

Isinumite na sa Guinness World Record ang numerong hawak ng bansa sa largest art lesson sa buong mundo.

(Source: http://news.abs-cbn.com)